OPD OPD By Dr. JB Besa Tambak na papel sa mesa Hindi alam saan magsisimula Uunahin ba si lola na alas-kwatro pa nakapila? O papakalmahin ang nag-aalborotong sikmura? Alaala ng kagabi’y hindi pa umaalpas May pagdanak, panaghoy, pagtangis Paano naman tutugon sa iyak ng nasa harapan? Gusto ko na matapos at umalis Marahil kulang sa tulog Kinapos din siguro ng tulong JB Besa Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.,ph | SHARE